Add parallel Print Page Options

18 (A)Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; (B)at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian.

At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, (C)Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging (D)tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng (E)bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.

Sapagka't dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid (F)ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at (G)ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan.

Read full chapter