Add parallel Print Page Options

13 At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, (A)Isulat mo, Mapapalad ang mga patay (B)na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, (C)upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; sapagka't ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila.

14 At nakita ko, at narito, ang isang alapaap na maputi; at nakita ko na nakaupo sa alapaap ang isang (D)katulad ng isang anak ng tao, na sa kaniyang ulo'y may isang putong na ginto, at sa kaniyang kamay ay may isang panggapas na matalas.

15 At lumabas ang ibang anghel (E)sa templo, na sumisigaw ng malakas na tinig doon sa nakaupo sa alapaap, (F)Ihulog mo ang iyong panggapas, at gumapas ka; sapagka't dumating ang oras ng paggapas, sapagka't ang aanihin sa lupa ay hinog na.

Read full chapter