Add parallel Print Page Options

At aking ihihiwalay ang mananahan mula sa Asdod, at siyang humahawak ng cetro mula sa Ascalon; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa Ecron, at (A)ang nalabi sa mga Filisteo ay malilipol, sabi ng Panginoong Dios.

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (B)Tiro, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (C)sapagka't kanilang ibinigay ang buong bayan sa Edom, at hindi inalaala ang (D)tipan ng pagkakapatiran.

10 Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Tiro, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon.

Read full chapter