Add parallel Print Page Options

Panawagan sa Pagsisisi

Pakinggan ninyo ang salitang ito na aking itinataghoy sa inyo, O sambahayan ni Israel:

“Siya'y bumagsak na,
    hindi na siya babangon pa, ang birhen ng Israel;
siya'y itinakuwil sa kanyang lupain,
    walang magbangon sa kanya.”
Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
“Ang lunsod na lumabas na isang libo ay magkakaroon ng isandaang maiiwan,
at ang lumabas na isandaan ay magkakaroon ng sampung maiiwan,
    sa sambahayan ni Israel.”

Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon sa sambahayan ni Israel,
“Hanapin ninyo ako, at kayo'y mabubuhay;
    ngunit huwag ninyong hanapin ang Bethel,
at huwag pumasok sa Gilgal,
    ni dumaan sa Beer-seba;
sapagkat ang Gilgal ay tiyak na patungo sa pagkabihag,
    at ang Bethel ay mauuwi sa wala.

Inyong hanapin ang Panginoon, at kayo'y mabubuhay;
    baka siya'y magsiklab na parang apoy sa sambahayan ni Jose,
    at lalamunin nito ang Bethel, at walang makakapatay niyon.
O kayo na ginagawa ninyong mapait na kahoy ang katarungan,
    at inihahagis sa lupa ang katuwiran!

Siya(A) na lumikha ng Pleyades at Orion,
    at ang gabing malalim ay ginagawang umaga,
    at pinadidilim ang araw upang maging gabi,
na tinatawag ang mga tubig ng dagat,
    at ibinubuhos ang mga iyon sa ibabaw ng lupa
ang Panginoon ang kanyang pangalan;
siya ang nagdadala ng biglang pagkawasak laban sa malakas,
    anupa't ang pagkawasak ay dumarating sa tanggulan.

10 Kanilang kinapopootan ang nananaway sa pintuan,
    at kanilang kinasusuklaman ang nagsasalita ng katotohanan.
11 Kaya't yamang inyong niyayapakan ang dukha,
    at pinagbubuwis ninyo siya ng trigo,
kayo'y nagtayo ng mga bahay na batong tinabas,
    ngunit hindi ninyo iyon tatahanan;
kayo'y nagtanim ng magagandang ubasan,
    ngunit hindi ninyo iinumin ang alak niyon.
12 Sapagkat alam ko kung gaano karami ang inyong mga pagsuway,
    at kung gaano kalaki ang inyong mga kasalanan—
kayong nagpapahirap sa matuwid, kayo na kumukuha ng suhol,
    at itinutulak sa isang tabi ng pintuan ang nangangailangan.
13 Kaya't siya na mabait ay tatahimik sa panahong iyon;
    sapagkat iyon ay masamang panahon.

14 Hanapin ninyo ang mabuti at hindi ang masama,
    upang kayo'y mabuhay;
at sa gayo'y ang Panginoon, ang Diyos ng mga hukbo, ay magiging kasama ninyo,
    gaya ng inyong sinasabi.
15 Inyong kapootan ang masama,
    at ibigin ang mabuti, at kayo'y magpairal ng katarungan sa pintuang-bayan.
Marahil ang Panginoon, ang Diyos ng mga hukbo,
    ay magiging mapagpala sa mga nalabi sa Jose.

16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Diyos ng mga hukbo, ang Panginoon:
“Magkakaroon ng panaghoy sa lahat ng mga liwasan,
    at sila'y magsasabi sa lahat ng lansangan, ‘Kahabag-habag! Kahabag-habag!’
Kanilang tatawagin ang magbubukid upang magdalamhati,
    at sa pagtangis ang mga bihasa sa panaghoy.
17 At sa lahat ng ubasan ay magkakaroon ng panaghoy;
    sapagkat ako'y daraan sa gitna mo,” sabi ng Panginoon.
18 Kahabag-habag kayong nagnanais ng araw ng Panginoon!
    Sa anong layunin ang araw ng Panginoon sa inyo?
Iyon ay kadiliman at hindi kaliwanagan,
19     gaya ng isang tao na tumakas sa leon,
    at sinalubong siya ng oso,
o pumasok sa bahay at ikinapit ang kanyang kamay sa dingding,
    at isang ahas ang tumuka sa kanya.
20 Hindi ba kadiliman ang araw ng Panginoon, at hindi kaliwanagan,
    at kadiliman na walang ningning doon?
21 “Aking(B) kinapopootan, aking hinahamak ang inyong mga kapistahan,
    at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang pagtitipon.
22 Bagaman inyong inihahandog sa akin ang inyong mga handog na sinusunog at mga handog na butil,
    hindi ko iyon tatanggapin;
ni akin mang pagmamasdan
    ang mga handog pangkapayapaan ng inyong mga pinatabang hayop.
23 Ilayo mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit;
    hindi ako makikinig sa himig ng iyong mga alpa.
24 Kundi paagusin ninyo ang katarungan na parang tubig,
    at ang katuwiran na parang batis na patuloy na umaagos.

25 “Nagdala(C) ba kayo sa akin ng mga alay, at mga handog sa ilang sa loob ng apatnapung taon, O sambahayan ni Israel?

26 Inyong dinala si Sakkuth na inyong hari, at si Kaiwan na inyong mga larawan, ang bituin ng inyong diyos, na inyong ginawa para sa inyong sarili.

27 Kaya't kayo'y aking dadalhin sa pagkabihag sa kabila ng Damasco,” sabi ng Panginoon, na ang pangalan ay Diyos ng mga hukbo.

'Amos 5 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang Israel ay sinamo upang hanapin ang Panginoon.

Dinggin ninyo ang salitang ito na aking itinataghoy sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel.

Ang dalaga ng Israel ay (A)nabuwal; siya'y hindi na magbabangon pa, (B)siya'y nahagis sa kaniyang lupain; walang magbangon sa kaniya.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ang bayan na lalabas na isang libo, maiiwang isang daan, at ang lalabas na isang daan ay maiiwang sangpu, sa sangbahayan ni Israel.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa sangbahayan ni Israel; Hanapin ninyo ako, at kayo'y mangabubuhay;

Nguni't huwag ninyong hanapin ang (C)Beth-el, ni magsipasok man sa Gilgal, at huwag kayong magsidaan sa (D)Beer-seba: sapagka't walang pagsala ang Gilgal ay papasok sa pagkabihag, at ang Beth-el ay mauuwi sa wala.

Inyong hanapin ang Panginoon, at kayo'y mangabubuhay; baka siya'y sumigalbong parang apoy sa sangbahayan ni Jose, at supukin yaon, at sa Beth-el ay walang makapapatay niyaon:

Kayong (E)nagpapaging ajenjo sa kahatulan, at nagwawaksi ng katuwiran sa lupa.

Inyong hanapin (F)ang lumikha ng mga Pleyades at ng Orion, (G)at ang lilim ng kamatayan ay pinapaging umaga, (H)pinapagdilim ang araw sa pamamagitan ng gabi; yaong tumatawag sa tubig sa dagat, at nagbubugso ng mga yaon sa ibabaw ng lupa (Panginoon ang siya niyang pangalan);

Yaong nagdadala ng biglang kabuwalan sa malakas, na anopa't ang pagkasira ay dumarating sa katibayan.

10 Kanilang kinapopootan (I)ang nananaway (J)sa pintuang-bayan, at kanilang kinasusuklaman ang nagsasalita ng matuwid.

11 Palibhasa nga't inyong niyayapakan ang dukha, at inyong hinihingan siya ng trigo: kayo'y (K)nangagtayo ng mga bahay na batong tinabas, nguni't hindi ninyo tatahanan; kayo'y nangagtanim ng mga maligayang ubasan, nguni't hindi kayo magsisiinom ng alak niyaon.

12 Sapagka't talastas ko kung gaano karami ang inyong mga pagsalangsang, at kung gaano kalaki ang inyong mga kasalanan—kayong nagsisidalamhati sa ganap, na kinukunan ninyo ng suhol, at inyong inililigaw sa kanilang matuwid (L)ang mapagkailangan sa pintuang-bayan.

13 Kaya't siya na mabait ay tatahimik sa panahong yaon; sapagka't masamang panahon.

14 Magsihanap kayo ng kabutihan, at huwag kasamaan, upang kayo'y mangabuhay; at sa gayo'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay sasa inyo, (M)gaya ng inyong sinasabi.

15 Inyong kapootan ang masama, at ibigin ang mabuti, at kayo'y mangagtatatag ng kahatulan sa pintuang-bayan: marahil ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay magiging mapagbiyaya sa (N)nalabi sa Jose.

16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Panginoon: Panaghoy ay sa lahat na daan; at sila'y mangagsasabi sa lahat na lansangan, Sa aba! sa aba! at kanilang tatawagin ang mangbubukid sa pananambitan, at ang lahat na bihasa sa pananaghoy sa pagtaghoy.

17 At sa lahat ng ubasan ay magkakaroon ng panaghoy; sapagka't (O)ako'y daraan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.

Ang kaarawan ng Panginoon.

18 Sa aba ninyo na nangagnanasa ng (P)kaarawan ng Panginoon! bakit ninyo ninanasa ang kaarawan ng Panginoon? kadiliman (Q)nga, at hindi kaliwanagan.

19 Gaya ng kung ang tao ay tumatakas sa leon, at isang oso ang sumasalubong sa kaniya; o pumapasok sa bahay at ikinakapit ang kaniyang kamay sa pinid, at isang ahas ang tumutuka sa kaniya.

20 Hindi baga magiging kadiliman ang kaarawan ng Panginoon, at hindi kaliwanagan? na totoong madilim, at walang ningning?

21 (R)Aking kinapopootan, aking hinahamak ang inyong mga kapistahan, at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang kapulungan.

22 Oo, bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na harina, (S)hindi ko tatanggapin; ni akin mang kalulugdan ang mga handog tungkol sa (T)kapayapaan na inyong mga matabang hayop.

23 Ihiwalay mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit; sapagka't hindi ko didinggin ang tinig ng iyong mga biola.

24 Kundi bumugso ang katarungan na parang tubig, at ang katuwiran na parang malakas na agos.

25 Nagdala baga kayo sa akin ng mga (U)hain, at ng mga handog sa ilang na apat na pung taon, Oh sangbahayan ni Israel?

26 Oo, inyong pinasan ang (V)tabernakulo ng inyong hari at ang dambana ng inyong mga larawan, ang bituin ng inyong dios, na inyong ginawa para sa inyong sarili.

27 Kaya't kayo'y aking papapasukin sa pagkabihag sa dako roon ng Damasco, sabi ng Panginoon, na ang pangala'y (W)Dios ng mga hukbo.