Add parallel Print Page Options

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang (A)ng Gaza, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (B)sapagka't kanilang dinalang bihag ang buong bayan, (C)upang ibigay sa Edom.

Read full chapter

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (A)Tiro, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (B)sapagka't kanilang ibinigay ang buong bayan sa Edom, at hindi inalaala ang (C)tipan ng pagkakapatiran.

Read full chapter

11 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (A)Edom, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't hinabol niya ng (B)tabak ang kaniyang kapatid, at ipinagkait ang buong habag, at ang kaniyang galit ay laging nanglilipol, at taglay niya ang kaniyang poot magpakailan man.

Read full chapter

13 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (A)mga anak ni Ammon, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kanila; sapagka't (B)kanilang pinaluwa ang bituka ng mga babaing nagdadalang tao sa Galaad, upang kanilang mapalapad ang kanilang hangganan.

Read full chapter

Hatol sa Moab.

Ganito ang sabi ng Panginoon: (A)Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Moab, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't (B)kaniyang sinunog ang mga buto ng hari sa Edom na pinapaging apog.

Read full chapter

Ang hatol sa Juda at sa Israel.

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Juda, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (A)sapagka't kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon, at hindi iningatan ang kaniyang mga palatuntunan, at iniligaw sila ng kanilang mga pagbubulaan, (B)ayon sa inilakad ng kanilang mga magulang.

Read full chapter

Ganito ang sabi ng Panginoon, Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Israel, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't (A)kanilang ipinagbili ang matuwid dahil sa pilak, at (B)ang mapagkailangan sa dalawang paang panyapak—

Read full chapter