Add parallel Print Page Options

Ngayon nga, magsilakas nawa ang inyong mga kamay, at kayo nawa'y maging matatapang: sapagka't patay na si Saul na inyong panginoon, at pinahiran ng langis naman ako ng sangbahayan ni Juda upang maging hari sa kanila.

Si Is-boseth ay hari sa Israel.

(A)Kinuha nga ni Abner na anak ni Ner na kapitan sa hukbo ni Saul, si (B)Is-boseth na anak ni Saul, at inilipat sa Mahanaim;

At kaniyang ginawa siyang hari sa Galaad, at sa mga Asureo, at sa Jezreel, at sa Ephraim, at sa Benjamin, at sa buong Israel.

Read full chapter