Add parallel Print Page Options

18 At ang lahat niyang mga lingkod ay nagsidaan sa siping niya; at ang lahat na (A)Ceretheo, at ang lahat na (B)Peletheo, at ang lahat ng mga Getheo, na anim na raang lalake na nagsisunod sa kaniya mula sa (C)Gath, na nangagpapauna sa hari.

19 Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay (D)Ittai na Getheo, Bakit pati ikaw ay sumasama sa amin? bumalik ka at tumahan kang kasama ng hari: sapagka't ikaw ay taga ibang lupa at tapon pa: bumalik ka sa iyong sariling dako.

20 Yamang kahapon ka lamang dumating ay papagpapanhik manaugin na ba kita sa araw na ito na kasama namin, dangang ako'y (E)yumayaon kung saan maaari? bumalik ka, at ibalik mo ang iyong mga kapatid; kaawaan at katotohanan nawa ang sumaiyo.

Read full chapter