Add parallel Print Page Options

19 Ang iyong kaluwalhatian, Oh Israel, ay napatay sa iyong matataas na dako!
Ano't nangabuwal ang mga makapangyarihan!
20 (A)Huwag ninyong saysayin sa Gath,
Huwag ninyong ihayag sa mga lansangan ng Ascalon;
(B)Baka ang mga anak na babae ng mga Filisteo ay mangagalak,
Baka ang mga anak na babae ng mga hindi tuli ay magtagumpay.
21 Kayong mga bundok ng Gilboa,
Huwag magkaroon ng hamog, o ulan man sa inyo, kahit mga bukid na mga handog:
Sapagka't diyan ang kalasag ng makapangyarihan ay nahagis ng kahalayhalay.
Ang kalasag ni Saul, na parang isa, na hindi (C)pinahiran ng langis.

Read full chapter