Add parallel Print Page Options

Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa (A)apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.

Datapuwa't huwag ninyong kalimutan, mga minamahal, ang isang bagay na ito, na ang (B)isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.

Hindi mapagpaliban (C)ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi (D)mapagpahinuhod sa inyo, (E)na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, (F)kundi ang lahat ay magsipagsisi.

Read full chapter