2 Mga Hari 8:12
Ang Biblia (1978)
12 At sinabi ni Hazael, Bakit umiyak ang panginoon ko? At siya'y sumagot, (A)Sapagka't talastas ko ang kasamaan na iyong gagawin sa mga anak ni Israel: ang kanilang mga katibayan ay iyong sisilaban ng apoy, at ang kanilang mga binata ay iyong papatayin ng tabak, at mga (B)pagpuputol-putulin ang kanilang mga bata, at iyong paluluwain ang bituka ng mga babaing buntis.
Read full chapter
2 Mga Hari 9:14
Ang Biblia (1978)
14 Ganito, si Jehu na anak ni Josaphat, na anak ni Nimsi, nanghimagsik laban kay Joram. (Iningatan nga ni (A)Joram ang Ramoth-galaad niya at ng buong Israel, dahil kay (B)Hazael na hari sa Siria;
Read full chapter
2 Mga Hari 9:24
Ang Biblia (1978)
24 At binunot ni Jehu ang kaniyang busog ng kaniyang buong lakas, at sinaktan si Joram sa pagitan ng kaniyang mga balikat, at ang pana ay lumagpas sa kaniyang puso, at siya'y nabuwal sa kaniyang karo.
Read full chapter
2 Mga Hari 13:3
Ang Biblia (1978)
3 (A)At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at palagi niyang ibinigay sila sa kamay ni (B)Hazael na hari sa Siria, at sa kamay ni (C)Ben-adad na anak ni Hazael.
Read full chapter
2 Mga Hari 13:22
Ang Biblia (1978)
22 (A)At pinighati ni Hazael na hari sa Siria ang Israel sa lahat ng kaarawan ni Joachaz.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978