Add parallel Print Page Options

At kanilang pinatay ang mga anak ni Sedecias, sa harap ng kaniyang mga mata, at inukit ang mga mata ni Sedecias at siya'y (A)nilagyan ng damal, at dinala siya sa Babilonia.

Giniba ang Jerusalem at ang templo.

(B)Nang ikalimang buwan nga, nang ikapitong araw ng buwan, na siyang ikalabing siyam na taon ng haring Nabucodonosor, na hari sa Babilonia, ay naparoon sa Jerusalem si Nabuzaradan na (C)punong kawal ng bantay, na lingkod ng hari sa Babilonia.

(D)At kaniyang sinunog ang bahay ng Panginoon, at ang bahay ng hari; at ang (E)lahat na bahay sa Jerusalem, sa makatuwid baga'y bawa't malaking bahay, ay sinunog niya ng apoy.

Read full chapter