Add parallel Print Page Options

At limangpu sa mga anak ng mga propeta ay nagsiyaon, at nagsitayo sa tapat nila sa malayo; at silang dalawa ay nagsitayo sa tabi ng Jordan.

At kinuha ni Elias ang (A)kaniyang balabal, at tiniklop, at hinampas ang tubig, at (B)nahawi dito at doon, na ano pa't silang dalawa'y nagsidaan sa tuyong lupa.

At nangyari, nang sila'y makatawid, na sinabi ni Elias kay Eliseo, Hingin mo kung ano ang gagawin ko sa iyo, bago ako ihiwalay sa iyo. At sinabi ni Eliseo, Isinasamo ko sa iyo, na ang[a] ibayong bahagi ng iyong diwa ay sumaakin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Mga Hari 2:9 O nadalawang bahagi ng Deut. 21:17.