2 Mga Hari 19:32
Ang Biblia (1978)
32 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, tungkol sa hari sa Asiria. Siya'y hindi paririto sa bayang ito, o magpapahilagpos man ng pana riyan, ni haharap man siya riyan na may kalasag, o maghahagis man ng (A)bunton laban doon.
Read full chapter
Isaias 37:33
Ang Biblia (1978)
33 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari sa Asiria, (A)Siya'y hindi paririto sa bayang ito o magpapahilagpos man ng pana diyan, o haharap man siya diyan na may kalasag, (B)o mahahagis ang bunton laban diyan.
Read full chapter
Jeremias 6:6
Ang Biblia (1978)
6 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y magsiputol ng mga punong kahoy, at mangagtayo kayo ng bunton laban sa Jerusalem: ito ang bayang dadalawin; siya'y lubos na kapighatian sa gitna niya.
Read full chapter
Ezekiel 4:2
Ang Biblia (1978)
2 At kubkubin mo, at (A)magtayo ka ng mga katibayan sa tapat noon, (B)at maglagay ka ng bunton sa tapat noon; maglagay ka rin ng mga kampamento sa tapat noon; at magumang ka ng mga pangsaksak sa tapat noon sa palibot.
Read full chapter
Ezekiel 26:8
Ang Biblia (1978)
8 Kaniyang papatayin ng tabak ang iyong mga anak na babae sa parang; at siya'y gagawa ng mga katibayan laban sa iyo, at magtitindig ng isang bunton laban sa iyo, at magtataas ng longki laban sa iyo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978