Add parallel Print Page Options

13 At si Joas ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Jeroboam ay naupo sa kaniyang luklukan; at si Joas ay nalibing sa Samaria na kasama ng mga hari sa Israel.

Ang kahulihulihang sakit at tanda ni Eliseo.

14 Si Eliseo nga ay nagkasakit ng sakit na kaniyang ikinamatay: at binaba siya at iniyakan siya ni Joas na hari sa Israel, at nagsabi, (A)Ama ko, ama ko, ang mga karo ng Israel at ang mga nangangabayo niyaon!

15 At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Kumuha ka ng busog at mga pana: at siya'y kumuha ng busog at mga pana.

Read full chapter