Add parallel Print Page Options

At kaniyang iniutos sa kanila, na sinasabi, ito ang bagay na inyong gagawin: (A)ang ikatlong bahagi ninyo na papasok sa sabbath ay magiging bantay sa bahay ng hari;

At ang ikatlong bahagi ay malalagay sa (B)pintuang-bayan ng Sur; at ang ikatlong bahagi ay sa pintuang-bayan sa likod ng bantay: gayon kayo magbabantay sa bahay, at magiging hadlang.

At ang dalawang pulutong ninyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na nagsilabas sa sabbath, ay magbabantay ng bahay ng Panginoon sa palibot ng hari.

Read full chapter