Add parallel Print Page Options

21 At sila'y nagsipagbanta laban sa kaniya, at (A)binato siya ng mga bato, sa utos ng hari (B)sa looban ng bahay ng Panginoon.

22 Sa ganito ay hindi inalaala ni Joas na hari ang kagandahang loob na ginawa ni Joiada na kaniyang ama sa kaniya, kundi pinatay ang kaniyang anak. At nang siya'y mamatay, kaniyang sinabi, Masdan ng Panginoon, at pakialaman.

23 At nangyari, sa katapusan ng taon, na ang hukbo ng mga taga Siria ay umahon laban sa kaniya: at sila'y nagsiparoon sa Juda at sa Jerusalem, at nilipol ang lahat na (C)prinsipe ng bayan mula sa gitna ng bayan, at ipinadala ang buong samsam sa kanila sa hari sa Damasco.

Read full chapter