Add parallel Print Page Options

18 At kanilang pinabayaan ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng kanilang mga magulang, at nangaglingkod (A)sa mga Asera at sa mga dios-diosan: at (B)ang pagiinit ay dumating sa Juda at sa Jerusalem dahil sa kanilang salang ito.

19 Gayon ma'y (C)nagsugo siya ng mga propeta sa kanila upang dalhin sila uli sa Panginoon; at sila'y (D)sumaksi laban sa kanila; nguni't hindi sila pinakinggan.

Pinagsalitaan siya ni Zacharias.

20 At ang Espiritu ng Dios ay dumating kay Zacharias na anak ni Joiada na saserdote; at siya'y tumayong mataas kay sa bayan, at nagsabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Dios, Bakit kayo'y nagsisisalangsang sa mga utos ng Panginoon, na anopa't kayo'y huwag magsiginhawa? sapagka't inyong pinabayaan ang Panginoon, kaniya namang pinabayaan kayo.

Read full chapter