Add parallel Print Page Options

16 At inudyukan ng Panginoon laban kay Joram ang diwa ng mga (A)Filisteo, at ng mga taga Arabia na nangasa siping ng mga (B)taga Etiopia:

17 At sila'y nagsiahon laban sa Juda, at nagpumilit doon, at dinala ang lahat na pagaari na nasumpungan sa bahay ng hari, at pati ang mga anak niya, at ang mga asawa niya; na anopa't walang naiwang anak sa kaniya, liban si (C)Joachaz na bunso sa kaniyang mga anak.

Ang pagkatalo at kamatayan ni Joram.

18 At pagkatapos ng lahat na ito ay sinaktan siya ng Panginoon sa kaniyang tiyan ng walang kagamutang sakit.

Read full chapter