Add parallel Print Page Options

Ngayon aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, (A)tungkol sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, (B)at sa ating pagkakatipon sa kaniya:

Upang huwag kayong madaling makilos (C)sa inyong pagiisip, at huwag din naman kayong mabagabag maging sa pamamagitan man ng espiritu, o (D)sa pamamagitan ng salita, o sa pamamagitan ng sulat na waring mula sa amin, na wari bagang nalalapit na (E)ang kaarawan ng Panginoon;

Huwag kayong padaya kanino man (F)sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, (G)maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at (H)mahayag ang taong makasalanan, (I)ang anak ng kapahamakan,

Na sumasalangsang at nagmamataas (J)laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios.

Hindi baga ninyo naaalaala nang ako'y kasama ninyo pa, ay sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito?

At ngayo'y nalalaman ninyo ang nakapipigil, upang siya'y mahayag sa kaniyang talagang kapanahunan.

Sapagka't (K)ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: lamang ay may pumipigil ngayon, hanggang sa alisin ito.

At kung magkagayo'y mahahayag ang tampalasan, (L)na papatayin ng Panginoong Jesus (M)ng hininga ng kaniyang bibig, at (N)sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin;

Siya, na ang kaniyang pagparito ay (O)ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at (P)mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan,

10 At may buong daya ng kalikuan sa (Q)nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas.

11 At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, (R)upang magsipaniwala sila sa (S)kasinungalingan:

12 Upang mangahatulan silang lahat na (T)hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi (U)nangalugod sa kalikuan.

13 Nguni't (V)kami ay nararapat magpasalamat sa Dios dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon, sa pagkakahirang sa inyo ng Dios (W)buhat nang pasimula sa ikaliligtas (X)sa pagpapabanal ng Espiritu at pananampalataya sa katotohanan:

14 Sa kalagayang ito'y tinawag niya kayo sa pamamagitan ng aming evangelio, (Y)upang magkamit ng kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo.

15 Kaya nga, mga kapatid, kayo'y mangagpakatibay, at inyong panghawakan (Z)ang mga aral na sa inyo'y itinuro, maging (AA)sa pamamagitan ng salita, o ng aming sulat.

16 Ngayon ang ating Panginoong Jesucristo rin, at ang Dios na ating Ama (AB)na sa amin ay umibig at sa amin ay nagbigay ng walang hanggang kaaliwan at (AC)mabuting pagasa sa pamamagitan ng biyaya,

17 (AD)Aliwin nawa ang inyong puso, (AE)at patibayin kayo sa bawa't mabuting gawa at salita.

Ang Paglitaw ng Suwail

Tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makasama siya, nakikiusap kami sa inyo, mga kapatid, na huwag agad magugulo ang inyong isip o mababahala dahil sa ilang ulat, pahayag o liham na mula raw sa amin na nagsasabing dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong padaya kaninuman sa anumang paraan. Sapagkat hindi darating ang araw na iyon hanggang hindi pa nangyayari ang paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng suwail, na nakatakda naman sa kapahamakan. Lalabanan niya ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao, at itataas niya ang sarili sa lahat ng ito. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.

Hindi ba ninyo natatandaan na binanggit ko na ito sa inyo noong ako'y kasama pa ninyo? Alam ninyo kung ano ang pumipigil kaya hindi pa lumilitaw ang suwail sa takdang panahon. Palihim nang kumikilos ang kapangyarihan ng kasamaan, at magpapatuloy ang ganyan hangga't hindi naaalis ang humahadlang sa kanya. At kung maalis na ang hadlang, lilitaw na ang suwail. Ngunit lubusan siyang pupuksain ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng hininga ng kanyang bibig sa panahon ng kanyang maluwalhating pagdating. Ngunit sa kanyang paglitaw, ang suwail ay magtataglay ng kapangyarihan ni Satanas. Makikita ang lahat ng uri ng huwad na himala, mga tanda, at mga kababalaghan. 10 Lilinlangin niya sa pamamagitan ng maraming uri ng pandaraya ang mga mapapahamak, mga taong ayaw umibig sa katotohanan na sana sa kanila'y makapagliligtas. 11 Dahil dito, hahayaan na ng Diyos na sila'y malinlang ng espiritu ng kamalian at maniwala sa kasinungalingan. 12 Parurusahan ang lahat ng ayaw tumanggap sa katotohanan, at sa halip ay nagpakasaya sa kasamaan.

Mga Pinili Upang Maligtas

13 Ngunit dapat kaming laging magpasalamat sa Diyos dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon. Sapagkat kabilang na kayo sa mga hinirang bilang unang bunga.[a] Ito'y sa pamamagitan ng Espiritung nagpapabanal sa inyo, at ng pananalig ninyo sa katotohanan. 14 Ginamit niya ang pangangaral namin ng ebanghelyo upang kayo'y makibahagi sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Kaya nga, mga kapatid, maging matibay kayo sa paninindigan at pamumuhay sa mga aral na ibinahagi namin sa inyo, ito man ay sa salita namin o sa sulat.

16 Nawa ang ating Panginoong Jesu-Cristo at ang Diyos nating Ama na sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob ay siyang umibig sa atin at nagbigay sa atin ng walang-hanggang lakas ng loob at mabuting pag-asa, 17 ang umaliw sa inyo at magbigay ng matatag na kalooban upang maipahayag ninyo sa salita at gawa ang lahat ng mabuti.

Footnotes

  1. 2 Tesalonica 2:13 unang bunga: o kaya'y, noong una pa man.