Add parallel Print Page Options

19 At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang (A)ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at (B)ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso:

20 Na maalaman muna ito, na (C)alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.

21 Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating (D)ang hula kailanman: (E)kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.

Read full chapter