2 Mga Hari 2:11
Ang Biblia (1978)
11 At nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, napakita ang (A)isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.
Read full chapter
Mga Awit 34:7
Ang Biblia (1978)
7 (A)Ang anghel ng Panginoon ay (B)humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya,
At ipinagsasanggalang sila.
Zacarias 1:8
Ang Biblia (1978)
8 Aking nakita sa gabi, at, narito, ang (A)isang lalaking nakasakay sa isang mapulang kabayo, at siya'y tumayo sa mga puno ng mirto, na nasa pinakamababa; at sa likuran niya'y may mga (B)kabayong mapula, alazan, at maputi.
Read full chapter
Zacarias 6:1-7
Ang Biblia (1978)
Ang pangitain ng mga karo at mga kabayo.
6 At itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang apat na karo mula sa pagitan ng dalawang bundok; at ang mga bundok ay mga bundok na tanso.
2 Sa unang karo ay may mga (A)kabayong mapula; at sa ikalawang karo ay mga kabayong maitim;
3 At sa ikatlong karo ay may mga kabayong maputi; at sa ikapat na karo ay mga kabayong kulay abo.
4 Nang magkagayo'y ako'y sumagot at sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito, panginoon ko?
5 At ang anghel ay sumagot at nagsabi sa akin, (B)Ito ang apat na hangin sa himpapawid, na lumalabas na pinakasugo mula sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.
6 Ang karo na kinasisingkawan ng mga kabayong maitim ay lumalabas sa dakong lupaing (C)hilagaan; at ang sa mga maputi ay lumabas na kasunod ng mga yaon; at ang mga kulay abo ay nagsilabas sa dakong lupaing timugan.
7 At ang mga malakas ay nagsilabas, at nangagpumilit na (D)yumaon upang malibot ang lupa: at kaniyang sinabi, Kayo'y magsiyaon at magparoo't parito sa buong lupa. Sa gayo'y sila'y nangagparoo't parito sa buong lupa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.