Add parallel Print Page Options

11 At nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, napakita ang (A)isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.

Read full chapter

(A)Ang anghel ng Panginoon ay (B)humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya,
At ipinagsasanggalang sila.

Read full chapter

Aking nakita sa gabi, at, narito, ang (A)isang lalaking nakasakay sa isang mapulang kabayo, at siya'y tumayo sa mga puno ng mirto, na nasa pinakamababa; at sa likuran niya'y may mga (B)kabayong mapula, alazan, at maputi.

Read full chapter

Ang pangitain ng mga karo at mga kabayo.

At itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang apat na karo mula sa pagitan ng dalawang bundok; at ang mga bundok ay mga bundok na tanso.

Sa unang karo ay may mga (A)kabayong mapula; at sa ikalawang karo ay mga kabayong maitim;

At sa ikatlong karo ay may mga kabayong maputi; at sa ikapat na karo ay mga kabayong kulay abo.

Nang magkagayo'y ako'y sumagot at sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito, panginoon ko?

At ang anghel ay sumagot at nagsabi sa akin, (B)Ito ang apat na hangin sa himpapawid, na lumalabas na pinakasugo mula sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.

Ang karo na kinasisingkawan ng mga kabayong maitim ay lumalabas sa dakong lupaing (C)hilagaan; at ang sa mga maputi ay lumabas na kasunod ng mga yaon; at ang mga kulay abo ay nagsilabas sa dakong lupaing timugan.

At ang mga malakas ay nagsilabas, at nangagpumilit na (D)yumaon upang malibot ang lupa: at kaniyang sinabi, Kayo'y magsiyaon at magparoo't parito sa buong lupa. Sa gayo'y sila'y nangagparoo't parito sa buong lupa.

Read full chapter