Add parallel Print Page Options

At ang hari sa Asiria ay nakasumpong kay Oseas ng pagbabanta; sapagka't siya'y nagsugo ng mga sugo kay So na hari sa Egipto, at hindi naghandog ng kaloob sa hari sa Asiria, na gaya ng kaniyang ginagawa taontaon; kaya't kinulong siya ng hari sa Asiria, at ipinangaw siya sa bilangguan.

Read full chapter

(A)Nang ikasiyam na taon ni Oseas, sinakop ng hari sa Asiria ang Samaria, at (B)dinala ang Israel sa Asiria, at inilagay sila sa Hala, at sa Habor, sa ilog ng (C)Gozan, at sa mga bayan ng mga (D)Medo.

Read full chapter

12 (A)At nilabas ni Joachin na hari sa Juda ang hari sa Babilonia, niya, at ng kaniyang ina, at ng kaniyang mga lingkod, at ng kaniyang mga prinsipe, at ng kaniyang mga pinuno: at kinuha siya ng hari ng Babilonia sa ikawalong taon ng kaniyang (B)paghahari.

Read full chapter

14 At kaniyang dinala ang buong Jerusalem, at ang lahat na prinsipe, at ang lahat na makapangyarihang lalake na may tapang, (A)sa makatuwid baga'y sangpung libong bihag, at ang lahat na manggagawa at mangbabakal; walang nalabi liban sa (B)mga pinakadukha sa bayan ng lupain.

Read full chapter

At kanilang pinatay ang mga anak ni Sedecias, sa harap ng kaniyang mga mata, at inukit ang mga mata ni Sedecias at siya'y (A)nilagyan ng damal, at dinala siya sa Babilonia.

Read full chapter

11 At ang nalabi na mga tao na naiwan sa bayan, at yaong nagsihiwalay, na nagsihilig sa hari sa Babilonia, at ang labi sa karamihan, ay dinalang bihag ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay.

Read full chapter

11 Kaya't dinala ng (A)Panginoon sa kanila ang mga punong kawal ng hukbo ng hari sa Asiria, na siyang nagdala kay Manases na may mga tanikala, at ginapos siya ng mga damal, at nagdala sa kaniya sa Babilonia.

Read full chapter

Laban sa kaniya ay umahon si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at tinanikalaan siya, upang dalhin siya sa Babilonia.

Read full chapter

20 At ang mga nakatanan sa tabak, dinala niya sa Babilonia; at mga (A)naging alipin niya at ng kaniyang mga anak hanggang sa paghahari ng kaharian ng Persia:

Read full chapter