Add parallel Print Page Options

At sinabi ni Joas sa mga saserdote, (A)Ang buong salapi ng mga bagay na itinalaga na napasok sa bahay ng Panginoon, na (B)karaniwang salapi, na salapi na inihalaga sa mga pagkatao na hiniling sa bawa't isa, at ang (C)buong salapi na nagudyok sa puso ng sinomang lalake na dalhin sa bahay ng Panginoon.

Read full chapter

12 (A)Pagbilang mo sa mga anak ni Israel, ayon sa mga nabilang sa kanila (B)ay magbibigay nga ang bawa't isa sa kanila ng katubusan ng kaniyang kaluluwa sa Panginoon, pagka iyong binibilang sila; upang (C)huwag magkaroon ng salot sa gitna nila pagka iyong binibilang sila.

13 Ito ang kanilang ibibigay, bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang: (D)kalahati ng isang siklo ayon sa siklo ng santuario: (E)ang isang siklo ay dalawang pung gera): kalahating siklo na pinaka handog sa Panginoon.

14 Bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay magbibigay ng handog sa Panginoon.

15 Ang mayaman ay hindi magbibigay ng higit, at ang dukha ay hindi magbibigay ng kulang sa kalahating siklo, pagbibigay nila ng handog sa Panginoon, upang (F)ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.

16 At iyong kukunin sa mga anak ni Israel ang pangtubos na salapi, (G)at iyong gugugulin sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan; na maging (H)pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.

Hugasang tanso.

17 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

Read full chapter