Add parallel Print Page Options

10 Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises sa Horeb, nang ang Panginoon ay nakipagtipan sa mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa Egipto.

Read full chapter

Ang kaban ay iniahon.

Nang magkagayo'y pinisan ni Salomon ang mga matanda ng Israel (A)at ang lahat na pangulo sa mga lipi, ang mga (B)prinsipe sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel, sa haring Salomon sa Jerusalem, upang iahon ang kaban (C)ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David (D)na siyang Sion.

At ang lahat na lalake sa Israel ay nagpisan kay haring Salomon (E)sa kapistahan, sa buwan ng Ethanim, na siyang ikapitong buwan.

At ang lahat na matanda sa Israel ay naparoon, at (F)binuhat ng mga saserdote ang kaban.

At kanilang iniahon ang kaban ng Panginoon, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat na banal na kasangkapan na nasa Tolda; iniahon nga ang mga ito ng mga saserdote at ng mga Levita.

At ang haring Salomon at ang buong kapulungan ng Israel na nangagpisan sa kaniya, ay mga kasama niya sa harap ng kaban, na naghahain ng mga tupa at mga baka, (G)na di masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan.

At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon (H)sa karoroonan, (I)sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako, sa ilalim ng mga (J)pakpak ng mga querubin.

Sapagka't nangakabuka ang mga pakpak ng mga querubin sa dako ng kaban, at ang mga querubin ay nagbibigay kanlong sa kaban at sa mga pingga niyaon sa ibabaw.

At ang mga pingga ay nangapakahaba, (K)na ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita mula sa (L)dakong banal sa harap ng sanggunian; nguni't hindi nangakikita sa labas: at nandoon hanggang sa araw na ito.

(M)Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises doon sa Horeb, nang ang Panginoon ay makipagtipan sa mga anak ni Israel, (N)nang sila'y lumabas sa lupain ng Egipto.

Read full chapter