2 Cronica 26:16
Ang Biblia (1978)
Si Uzzias ay naging ketongin dahil sa pagsusunog ng kamangyan.
16 Nguni't (A)nang siya'y lumakas, ang (B)kaniyang puso ay nagmataas, na anopa't siya'y gumawa ng kapahamakan, at siya'y sumalangsang laban sa Panginoon niyang Dios; sapagka't siya'y pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng kamangyan sa ibabaw ng dambana ng kamangyan.
Read full chapter
2 Cronica 26:18-19
Ang Biblia (1978)
18 At kanilang hinadlangan si Uzzias na hari, at nagsipagsabi sa kaniya, (A)Hindi nauukol sa iyo, Uzzias, na magsunog ng kamangyan sa Panginoon, kundi sa (B)mga saserdote na mga anak ni Aaron, na mga itinalaga na magsunog ng kamangyan: lumabas ka sa santuario; sapagka't ikaw ay sumalangsang; ni di magiging karangalan sa iyo sa ganang Panginoong Dios.
19 Nang magkagayo'y si Uzzias ay naginit; at siya'y may suuban sa kaniyang kamay upang magsunog ng kamangyan; at habang siya'y nagiinit sa mga saserdote, ang ketong ay lumabas sa kaniyang noo sa harap ng mga saserdote sa bahay ng Panginoon, sa siping ng dambana ng kamangyan,
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978