Add parallel Print Page Options

24 At kinuha niya ang lahat na ginto at pilak, at lahat na sisidlan na nasumpungan sa bahay ng Dios na kay Obed-edom; at ang mga kayamanan ng bahay ng hari, pati ng mga sanglang tao, at bumalik sa Samaria.

Read full chapter

(A)Nang magkagayo'y nagsugo ng mga sugo si Amasias kay Joas na anak ni Joachaz na anak ni Jehu, na hari sa Israel, na sinasabi, Halika, tayo'y magtitigan,

At si Joas na hari sa Israel ay nagsugo kay Amasias na hari sa Juda, na nagsasabi, (B)Ang dawag na nasa Libano ay nagsugo sa (C)sedro na nasa Libano, na nagsasabi, Ibigay mong asawa ang iyong anak na babae sa aking anak: at nagdaan ang isang mabangis na hayop na nasa Libano, at niyapakan ang dawag.

10 Iyong tunay na sinaktan ang Edom, at pinapagmataas ka ng (D)iyong puso: lumuwalhati ka nawa, at tumahan sa bahay: sapagka't bakit ka nakikialam sa ikasasama, upang ikaw ay mabuwal, ikaw, at ang Juda na kasama mo?

Ang pakikidigma ni Amasias sa Israel—pinatay ng mga manghihimagsik.

11 Nguni't hindi dininig ni Amasias. Sa gayo'y umahon si Joas na hari sa Israel; at siya, at si Amasias na hari sa Juda ay nagtitigan sa (E)Beth-semes, na ukol sa Juda.

12 At ang Juda ay napariwara sa harap ng Israel; at (F)sila'y tumakas bawa't isa sa kaniyang tolda.

13 At kinuha ni Joas na hari sa Israel si Amasias na hari sa Juda, na anak ni Joas na anak ni Ochozias, sa Beth-semes, at naparoon sa Jerusalem, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem mula sa (G)pintuang-bayan ng Ephraim hanggang sa (H)pintuang-bayan ng sulok, na apat na raang siko.

14 At kinuha niya ang lahat na ginto (I)at pilak, at ang lahat na kasangkapan na masumpungan sa bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari, pati ng mga sanglang tao at bumalik sa Samaria.

Read full chapter