Add parallel Print Page Options

19 Gayon ma'y (A)nagsugo siya ng mga propeta sa kanila upang dalhin sila uli sa Panginoon; at sila'y (B)sumaksi laban sa kanila; nguni't hindi sila pinakinggan.

Read full chapter

15 At ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, nagsugo sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga sugo, na bumangong maaga at nagsugo, sapagka't siya'y nagdalang habag sa kaniyang bayan, at sa kaniyang tahanang dako:

16 Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, (A)at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.

Read full chapter

34 (A)Kaya't, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga (B)eskriba: ang mga iba sa kanila'y inyong papatayin at ipapako sa krus; (C)at ang mga iba sa kanila'y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila'y inyong paguusigin sa bayan-bayan:

35 (D)Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, (E)buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni (F)Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana.

36 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito.

Read full chapter