Add parallel Print Page Options

11 Ang aming bibig ay bukas para sa inyo, Oh mga taga Corinto, ang aming puso ay lumalaki.

12 Hindi kayo nangakasisikip sa amin, kundi nangasisikipan kayo sa inyong sariling pagibig.

13 Kaya nga bilang ganti sa gayong bagay ((A)nangungusap akong gaya sa aking mga anak), ay mangagsilaki naman kayo.

Read full chapter

11 Matapat kaming nagsalita sa inyo, mga taga-Corinto, maluwang naming binuksan ang aming puso para sa inyo. 12 Hindi namin kayo pinaghihigpitan, kundi pinaghihigpitan kayo ng sarili ninyong damdamin. 13 Kinakausap ko kayo ngayon na parang sarili kong mga anak, buksan din naman ninyo ang inyong mga puso.

Read full chapter