Add parallel Print Page Options

15 Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, (A)na si (B)Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo (C)sa mga ito;

16 Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan.

17 Ngayon (D)sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, (E)sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.

Read full chapter