Add parallel Print Page Options

37 At nangyari sa kinaumagahan, nang ang alak ay mapawi kay Nabal, na isinaysay ng asawa niya sa kaniya ang mga bagay na ito, at nagkasakit siya sa puso, at siya'y naging parang isang bato.

38 At nangyari, pagkaraan ng may sangpung araw, at sinaktan ng Panginoon si Nabal, na anopa't siya'y namatay.

Naging asawa ni David si Abigail.

39 At nang mabalitaan ni David na si Nabal ay namatay, ay kaniyang sinabi, Purihin nawa ang Panginoon na siyang (A)nagsanggalang ng aking kadustaan mula sa kamay ni Nabal, (B)at pinigil ang kaniyang lingkod sa kasamaan: at ang masamang gawa ni Nabal ay (C)ibinalik ng Panginoon sa kaniyang sariling ulo. At nagsugo si David upang salitain kay Abigail na kunin siya na maging asawa niya.

Read full chapter