Add parallel Print Page Options

16 At nang pumasok ang mga sugo, narito, ang mga terap at nasa higaan, pati ng unang buhok ng kambing sa ulunan niyaon.

17 At sinabi ni Saul kay Michal, Bakit mo ako dinaya ng ganiyan, at iyong pinaalis ang aking kaaway, na anopa't siya'y nakatanan? At sumagot si Michal kay Saul, (A)Kaniyang sinabi sa akin: Bayaan mo akong yumaon: bakit kita papatayin?

Nanghula ang mga sugo ni Saul.

18 Si David nga ay tumakas, at tumanan, at naparoon kay Samuel sa (B)Rama, at isinaysay sa kaniya ang lahat ng ginawa ni Saul sa kaniya. At siya at si Samuel ay yumaon at tumahan sa Najoth.

Read full chapter