Add parallel Print Page Options

At sinabi ni Samuel, Paanong ako'y paroroon? Kung mabalitaan ni Saul, ay kaniyang papatayin ako. At sinabi ng Panginoon, Magdala ka ng isang dumalagang baka, at iyong sabihin, Ako'y naparito (A)upang maghain sa Panginoon.

At tawagin mo si Isai sa paghahain (B)at aking ituturo sa iyo kung ano ang iyong gagawin; (C)at iyong papahiran sa akin yaong sa iyo'y aking sabihin.

At ginawa ni Samuel ang sinalita ng Panginoon at naparoon sa Bethlehem. At ang mga matanda sa bayan ay naparoon upang salubungin siya na nagsisipanginig, at nagsabi, Naparirito ka bang (D)may kapayapaan?

Read full chapter