Add parallel Print Page Options

10 At pinaraan ni Isai ang pito sa kaniyang mga anak sa harap ni Samuel. At sinabi ni Samuel kay Isai, Hindi pinili ng Panginoon ang mga ito.

11 At sinabi ni Samuel kay Isai, Narito ba ang iyong lahat na anak? At kaniyang sinabi, Natitira pa ang bunso, at, narito, siya'y nag-aalaga sa mga tupa. At sinabi ni Samuel kay Isai, (A)Ipasundo mo siya; sapagka't hindi tayo uupo hanggang sa siya'y dumating dito.

12 At siya'y nagsugo, at sinundo siya roon. Siya nga'y (B)may mapulang pisngi, (C)may magandang bikas, at mabuting anyo. (D)At sinabi ng Panginoon, Tumindig ka: pahiran mo siya ng langis, sapagka't ito nga.

Read full chapter