1 Samuel 16:1
Ang Biblia (1978)
Si Samuel ay pinaparoon kay Isai.
16 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, (A)Hanggang kailan pananangisan mo si Saul yamang (B)aking itinakuwil siya na maging hari sa Israel? (C)Punuin mo ng langis ang iyong sungay, at ikaw ay yumaon, susuguin kita kay Isai na Beth-lehemita: (D)sapagka't ako'y naglaan sa kaniyang mga anak ng isang hari.
Read full chapter
1 Samuel 16:3
Ang Biblia (1978)
3 At tawagin mo si Isai sa paghahain (A)at aking ituturo sa iyo kung ano ang iyong gagawin; (B)at iyong papahiran sa akin yaong sa iyo'y aking sabihin.
Read full chapter
1 Samuel 16:12-13
Ang Biblia (1978)
12 At siya'y nagsugo, at sinundo siya roon. Siya nga'y (A)may mapulang pisngi, (B)may magandang bikas, at mabuting anyo. (C)At sinabi ng Panginoon, Tumindig ka: pahiran mo siya ng langis, sapagka't ito nga.
13 Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sungay ng langis, at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid: at (D)ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin. Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978