Add parallel Print Page Options

At sinabi ni Elcana na kaniyang asawa sa kaniya, Ana, bakit ka umiiyak? at bakit hindi ka kumakain? at bakit nagdadalamhati ang iyong puso? hindi ba ako (A)mabuti sa iyo kay sa sangpung anak?

Si Ana ay nananalangin upang magkaanak.

Sa gayo'y bumangon si Ana pagkatapos na makakain sila sa Silo at pagkatapos na sila'y makainom. Ngayo'y si Eli na saserdote ay nakaupo sa upuan niya sa siping ng haligi ng pintuan ng (B)templo ng Panginoon.

10 At siya'y nanalangin sa Panginoon ng buong (C)paghihinagpis ng kaluluwa, at tumangis na mainam.

Read full chapter