Add parallel Print Page Options

10 Na (A)ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting (B)katiwala ng masaganang biyaya ng Dios;

11 Na kung ang sinoma'y nagsasalita, ay gaya ng sa mga (C)aral ng Dios: (D)kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios: (E)upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, (F)na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.

12 Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y (G)subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay:

Read full chapter