Add parallel Print Page Options

21 Sapagka't (A)sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si (B)Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya:

22 Na siya'y hindi nagkasala, (C)o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig:

23 Na, nang siya'y alipustain, ay (D)hindi gumanti ng pagalipusta; nang siya'y magbata, ay hindi nagbala; kundi ipinagkatiwala (E)ang kaniyang sarili doon sa humahatol ng matuwid:

Read full chapter