Add parallel Print Page Options

Talumpati ni Salomon.

12 (A)Nang magkagayo'y nagsalita si Salomon, Ang Panginoo'y nagsabi na siya'y tatahan sa salimuot na (B)kadiliman.

13 Tunay na ipinagtayo kita ng isang bahay (C)na tahanan, (D)ng isang dako upang iyong tahanan magpakailan man.

14 At ipinihit ng hari ang kaniyang mukha, at (E)binasbasan ang buong kapisanan ng Israel: at ang buong kapisanan ng Israel ay tumayo.

Read full chapter