Add parallel Print Page Options

34 At sinabi ni Ben-adad sa kaniya, (A)Ang mga bayan na sinakop ng aking ama sa iyong ama ay aking isasauli; at ikaw ay gagawa sa ganang iyo ng mga lansangan sa (B)Damasco, gaya ng ginawa ng aking ama sa Samaria. At ako, sabi ni Achab, payayaunin kita sa tipang ito. Sa gayo'y nakipagtipan siya sa kaniya, at pinayaon niya siya.

Si Achab ay pinagsalitaan ng propeta.

35 At isang lalake sa (C)mga anak ng mga propeta ay nagsabi sa kaniyang kasama (D)sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, Isinasamo ko sa iyo na saktan mo ako. At tumanggi ang lalake na saktan niya.

36 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniya, Sapagka't hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon, narito, pagkahiwalay mo sa akin, ay papatayin ka ng isang leon. At pagkahiwalay niya sa kaniya, ay (E)nasumpungan siya ng isang leon, at pinatay siya.

Read full chapter