Add parallel Print Page Options

26 At kay Abiathar na saserdote ay sinabi ng hari, Umuwi ka sa Anathoth, (A)sa iyong sariling mga bukid; sapagka't ikaw ay karapatdapat sa kamatayan: nguni't sa panahong ito'y hindi kita papatayin, sapagka't iyong dinala ang kaban ng Panginoong Dios sa harap ni David na aking ama, (B)at sapagka't ikaw ay napighati sa lahat ng (C)kinapighatian ng aking ama.

27 Sa gayo'y inalis ni Salomon si Abiathar sa pagkasaserdote sa Panginoon upang kaniyang tuparin ang salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita tungkol sa sangbahayan ni (D)Eli, sa Silo.

Pinatay si Joab.

28 At ang mga balita ay dumating kay Joab: sapagka't si Joab ay (E)umanib kay Adonia, (F)bagaman hindi siya umanib kay Absalom. At si Joab ay (G)tumakas na napatungo sa Tolda ng Panginoon, at pumigil sa mga anyong sungay (H)ng dambana.

Read full chapter