Add parallel Print Page Options

11 At ang mga araw na ipinaghari ni David sa Israel ay apat na pung taon: (A)pitong taong naghari siya sa Hebron, at tatlong pu't tatlong taong naghari siya sa Jerusalem.

12 At si Salomon ay naupo sa luklukan ni David na kaniyang ama: (B)at ang kaniyang kaharian ay natatag na mainam.

Hiniling ni Adonia na maging asawa si Abisag.

13 Nang magkagayo'y si Adonia na anak ni Hagith ay naparoon kay Bath-sheba na ina ni Salomon. At kaniyang sinabi, Naparirito ka bang payapa? (C)At sinabi niya, Payapa.

Read full chapter