Add parallel Print Page Options

26 Isinulat ko sa inyo ang mga bagay na ito tungkol sa mga may ibig na magligaw sa inyo.

27 At tungkol sa inyo, ang (A)pagkapahid na sa kaniya'y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo'y turuan ng sinoman; nguni't kung paanong kayo'y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo'y tinuruan nito, (B)ay gayon kayong nananahan sa kaniya.

28 At ngayon, mumunti kong mga anak, manahan kayo sa kaniya; upang, (C)kung siya'y mahayag, ay magkaroon kayo ng pagkakatiwala, (D)at huwag tayong mangapahiya sa harapan niya sa kaniyang pagparito.

Read full chapter