1 Cronica 28:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Ngayon nga'y sa paningin ng buong Israel, ng kapisanan ng Panginoon, at sa pakinig ng ating Dios, sundin at suriin ang lahat na utos ng Panginoon ninyong Dios: upang inyong ariin ang mabuting lupaing ito, at maiwang pinakamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo, magpakailan man.
9 At ikaw, Salomon na aking anak, (A)kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng (B)sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng (C)Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't (D)kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man.
10 Magingat ka ngayon; sapagka't pinili ka ng Panginoon upang ipagtayo mo ng bahay ang santuario; magpakalakas ka, at gawin mo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978