Add parallel Print Page Options

Datapuwa't ang nanghuhula ay nagsasalita sa mga tao sa (A)ikatitibay, at sa ikapangangaral, at sa ikaaaliw.

Ang nagsasalita ng wika, ay nagpapatibay sa sarili; nguni't ang nanghuhula ay (B)nagpapatibay sa iglesia.

Ibig ko sanang kayong lahat ay mangagsalita ng mga wika, datapuwa't lalo na ang kayo'y magsipanghula: at lalong dakila ang nanghuhula kay sa nagsasalita ng mga wika, (C)maliban na kung siya'y magpapaliwanag upang ang iglesia ay mapagtibay.

Read full chapter