Add parallel Print Page Options

At kinuha ng mga Filisteo ang kaban ng Dios at ipinasok sa bahay ni Dagon, at inilagay sa tabi ni (A)Dagon.

At nang bumangong maaga ang mga taga Asdod ng kinaumagahan, narito, si Dagon ay (B)buwal na nakasubasob sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon. At kanilang kinuha si Dagon, at inilagay siya uli sa dako niyang kinaroroonan.

At nang sila'y bumangong maaga ng kinaumagahan, narito, si Dagon ay buwal na nakasubasob sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon; (C)at ang ulo ni Dagon at gayon din ang mga palad ng kaniyang mga kamay ay putol na nasa tayuan ng pintuan; ang katawan lamang ang naiwan sa kaniya.

Kaya't ang mga saserdote man ni Dagon, o ang sinomang nanasok sa bahay ni Dagon, ay hindi itinutungtong ang paa sa tayuan ng pintuan ni Dagon sa Asdod, hanggang sa araw na ito.

Ang mga bayan ng Filisteo ay pinarusahan.

Nguni't (D)ang kamay ng Panginoon ay bumigat sa mga taga Asdod, at mga (E)ipinahamak niya, at mga sinaktan ng mga (F)bukol, sa makatuwid baga'y ang Asdod at ang mga hangganan niyaon.

At nang makita ng mga lalake sa Asdod na gayon, ay kanilang sinabi, Ang kaban ng Dios ng Israel ay huwag matirang kasama natin; sapagka't ang kaniyang kamay ay mabigat sa atin, at kay Dagon ating dios.

Read full chapter

10 At inilagay nila ang kaniyang sandata sa bahay ng kanilang mga dios, at ipinako ang kaniyang ulo sa bahay ni Dagon.

Read full chapter