Add parallel Print Page Options

Sinalita ni Samuel ang kasawian ni Saul.

15 At sinabi ni Samuel kay Saul, Bakit mo binagabag ako sa aking pagahon? At sumagot si Saul, Ako'y totoong naliligalig; sapagka't ang mga Filisteo ay nangdidigma laban sa akin, at ang (A)Dios ay humiwalay sa akin, at hindi na ako (B)sinasagot, kahit sa pamamagitan ng mga (C)propeta, ni ng panaginip man: kaya tinawag kita, upang maipakilala mo sa akin kung ano ang aking gagawin.

16 At sinabi ni Samuel, Bakit nga nagtatanong ka sa akin, dangang ang Panginoon ay humiwalay sa iyo, at naging iyong kaaway?

Read full chapter