Add parallel Print Page Options

26 Ngayon nga, panginoon ko, (A)buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, yamang ikaw ay pinigil ng Panginoon sa pagbububo ng dugo, at sa panghihiganti mo ng iyong sariling kamay kaya nga ang iyong mga kaaway at yaong mga umuusig ng kasamaan sa aking panginoon ay maging gaya ni Nabal.

Read full chapter

34 Sapagka't tunay, buhay ang Panginoon, ang Dios ng Israel na siyang (A)pumigil sa akin sa pagsakit sa iyo, kundi ka nagmadali, at pumaritong sumalubong sa akin, tunay na (B)walang malalabi kay Nabal sa pagbubukang liwayway kahit isang batang lalake.

Read full chapter

Naging asawa ni David si Abigail.

39 At nang mabalitaan ni David na si Nabal ay namatay, ay kaniyang sinabi, Purihin nawa ang Panginoon na siyang (A)nagsanggalang ng aking kadustaan mula sa kamay ni Nabal, (B)at pinigil ang kaniyang lingkod sa kasamaan: at ang masamang gawa ni Nabal ay (C)ibinalik ng Panginoon sa kaniyang sariling ulo. At nagsugo si David upang salitain kay Abigail na kunin siya na maging asawa niya.

Read full chapter