Add parallel Print Page Options

22 At sinabi ni Samuel, (A)Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito, (B)ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake.

Read full chapter

16 Sapagka't (A)hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita:
Wala kang kaluguran sa handog na susunugin.

Read full chapter

Siyang pumapatay ng baka ay (A)gaya ng pumapatay ng tao; siyang naghahain ng kordero ay gaya ng bumabali ng leeg ng aso; siyang naghahandog ng alay ay gaya ng naghahandog ng dugo ng baboy; siyang (B)nagsusunog ng kamangyan ay gaya ng pumupuri sa isang diosdiosan. Oo, sila'y nagsipili ng kanilang sariling mga lakad, at ang kanilang kaluluwa ay nalulugod sa kanilang mga kasuklamsuklam na bagay;

Read full chapter

Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, (A)at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin.

Read full chapter

Datapuwa't kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, (A)Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan.

Read full chapter

Kaya't (A)pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi,

(B)Hain at handog ay hindi mo ibig.
Nguni't isang katawan ang (C)sa akin ay inihanda mo;
Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.
Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.)
Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.

Read full chapter