1 Samuel 15:22
Ang Biblia (1978)
22 At sinabi ni Samuel, (A)Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito, (B)ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake.
Read full chapter
Mga Awit 50:8
Ang Biblia (1978)
8 (A)Hindi kita sasawayin dahil sa iyong mga hain;
At ang iyong mga handog na susunugin ay laging nangasa harap ko.
Mga Kawikaan 15:8
Ang Biblia (1978)
8 (A)Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran.
Mga Kawikaan 27:27
Ang Biblia (1978)
27 At magkakaroon ng kasiyahang gatas ng kambing sa iyong pagkain, sa pagkain ng iyong sangbahayan;
At pagkain sa iyong mga alilang babae.
Oseas 6:6
Ang Biblia (1978)
6 Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, (A)at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978